Sunday, September 17, 2006
Sori! Ang Tagal ko nanamang hindi nakapagpost...
Ay sus! Pasensya na kung matagal na akong hindi nagpopost...Gusto ko sana magpost sa susunod ng mga drowing ko na may background! Sana makuha ko na iyong teknik ng worm's eye at bird's eye view para maiba naman at hindi boring tingnan ang gawa-gawa ko...Sige po! Punahin nyo na ang drowing ko ng matuto ang lintik kong utak!
Tuesday, September 12, 2006
Uy!!! Sori kung matagal na akong di nagpopost...
Sunday, March 05, 2006
Hay! Isang lumang drowing noong isang taon...Mga Maligno't Mamaw!!!
Wala pa rin akong maipost na bagong drowing sa blog ko ngayon kaya ito na lang ang naisip kong ipost...Ehem! Heto nga pala ang drowing ko noong isang taon! Iyan ay mga maligno mula sa ating Philippine Myth's or folklore man iyan. Hehe! Mababa pa noong panahong iyon ang kaalaman ko sa pagdagdag ng datalye. Dadagdagan ko nga sana ito ng datalye, kaso tinatamad na ako dahil kailangan ko pang tapusin iyong ginagawa kong mga karikatura para sa aming yearbook! (Makagraduate kaya ako?)
Hu!!! Mula pala sa itaas diyan sa kaliwa hanggang sa ibabang kaliwa (clockwise!): Ang taong kabayong Tikbalang, Ang Manananggal, Ang Kapre na mahilig magtabako, Ang Nuno sa Punso o Duwende, Bolang Apoy at isang lalaking Aswang...
Sabi daw ng iba lalo na iyong mga taga-probinya'y totoo daw ito. Naaalala ko pa nga iyong kuwento ng malandi naming katulong tungkol sa mga alagang duwende ng namatay na niyang ina at ang mga kuwento tungkol sa aswang ng mga kamag-anak ko sa Bikol...
Hehehe...Sa drowing kong ito'y parang hindi sila nakakatakot! Gagawa na lang ako ng mas pinatinding mga maligno sa susunod!
AHHHHHH!!!! MUUUMUUUUUUU!!!!
Hu!!! Mula pala sa itaas diyan sa kaliwa hanggang sa ibabang kaliwa (clockwise!): Ang taong kabayong Tikbalang, Ang Manananggal, Ang Kapre na mahilig magtabako, Ang Nuno sa Punso o Duwende, Bolang Apoy at isang lalaking Aswang...
Sabi daw ng iba lalo na iyong mga taga-probinya'y totoo daw ito. Naaalala ko pa nga iyong kuwento ng malandi naming katulong tungkol sa mga alagang duwende ng namatay na niyang ina at ang mga kuwento tungkol sa aswang ng mga kamag-anak ko sa Bikol...
Hehehe...Sa drowing kong ito'y parang hindi sila nakakatakot! Gagawa na lang ako ng mas pinatinding mga maligno sa susunod!
AHHHHHH!!!! MUUUMUUUUUUU!!!!
Sunday, February 26, 2006
ED Cartoon ko: Hello GARCI??
Hay! Oo, lumang isyu na ito subalit hindi pa rin natatapos...Siguro napabayaan na ang pagsisinungaling ng kupal na ito eh! Heto nga pala ang isa sa mga ginawa ko noong training ko para sa contest...Sa mga hindi nakakaalam kung sino ang maliit na lalakeng may suot na salakot na madalas nating nakikita sa mga Ed Cartoons sa dyaryo, siya ay si Juan de la Cruz na simbolo ng Pilipinas...Katulad din sa states na si Uncle Sam naman!!!
Ang dami ko kasing kakilala na madalas magtanong kung sino si Juan de la Cruz eh!
Hu! Napakagulo na ng Pilipinas no?!
Medyo tinatamad akong magdrowing ngayong araw na 'to ah!
Ang dami ko kasing kakilala na madalas magtanong kung sino si Juan de la Cruz eh!
Hu! Napakagulo na ng Pilipinas no?!
Medyo tinatamad akong magdrowing ngayong araw na 'to ah!
Friday, February 24, 2006
Ay! Kay tagal ko na palang hindi nakakapagpost!!!
Hay, grabe ang araw na ire! Kinansela ang pasukan ngayon sa lahat ng paaralan dahil sa anibersaryo ng Edsa 1 at sa nasabing Kudeta na mas naaaztigan pa akong tawagin itong Kupde-Etat!!! At bukas nga pala'y Foundation Day ng iskul ko, kung saan darating ang sikat na bandang Kamikazee na tatlong kanta lang daw ang aawitin. Ewan ko lang kung matutuloy pa ito...Ang tagal ko na palang hindi nakakapagpost! Whew!!! Heto nga pala ang bago ko nanamang kabalbalan este drowing pala! Walang iba kundi ang bayaning si Francisco Dagohoy! Ito'y sarili kong bersiyon ng pagkakaguhit sa mala-Komiks niyang hitsura dito...Isang Pilipinong Rebolusyonaryo noong panahon ng Kastila. Si Francisco Dagohoy ang namuno sa pinakamahabang pag-aalsa laban sa Kastila sa kasaysayan ng ating bansa. Biruin mong 85 taon (1744-1829) ang nasabing pag-aalsa!!! Si Dagohoy ay may napakahusay na blilis sa pakikidigma lalu na paggamit ng Arnis (Isang Uri ng Pakikipagtunggali) at sinasabing gumagamit siya ng Agimat o Anting-anting (Isang uri ng Kwintas o inukit na bato na nagtataglay ng kapangyarihan o lakas kapag ito'y ginamit). Nasip ko talagang idrowing si Dagohoy dahil isa siyang bayani at dahil sa kanyang mala-Komiks na kasaysayan...Naisip ko rin na gawan ko si Dagohoy ng sarili kong bersiyon kaya ganyan ang hitsura. Nais ko rin sanang idrowing iyong kakatwang Komikstrip na Dagohoy(sa Sunday Komiks ng Inquirer dati) na minsang ipinalabas sa Kapuso bilang isang Cartoons. Siyempre, mas karapat-dapat kong iguhit na matipuno ang hitsura ng nasabing Kenkoy na Dagohoy.
Sa mga hindi nakakaalam kung sino si Francisco Dagohoy ay magpunta kayo dito:
http://www.elaput.org/chrmdhoy.htm
http://www.deviantart.com/deviation/1747340/
Komento po!!!
Sa mga hindi nakakaalam kung sino si Francisco Dagohoy ay magpunta kayo dito:
http://www.elaput.org/chrmdhoy.htm
http://www.deviantart.com/deviation/1747340/
Komento po!!!
Friday, February 03, 2006
I'm a Lastik Fan! Hehehe!
Simula noong nabasa ko ang bagong Lastikman Komiks at ng makita ko ang iba't ibang hitsura't pagkakagawa sa costume ni Lastikman ay talagang namangha ako. Naaaztigan ako sa kanyang bersyon sa komiks kaya ko madalas maisipang magdrowing ng ating aztig na tagapagtanggol. Hilig ko talaga ang komiks! Siyempre, dahil nais ko ring maging comic artist katulad ng mga iniidolo ko simula pa noong maliit pa ako. Noong maliit pa kasi ako'y mahilig na akong magdrowing at tumingin sa komiks kahit hindi pa ako marunong bumasa noong panahong iyon. Nahilig talaga ako sa pagdrowing dahil sa tito ko. Isa kasi siyang artist! Maraming nagpapadrowing sa kanya. Naaalala ko noong maliit pa ako na lagi siyang nagdodrowing sa tapat ng tindahan ng kapatid ng lola ko. Madalas siyang tinitingnan ng mga kalaro ko, tapos ako noon ay isang ksp na kukuha pa ng lapis at papel tapos ay makikigaya din sa iginuguhit ng tito ko. Ang kaibahan nga lang namin ay hindi nagdodrowing ng mala-komiks at cartoons ang tito ko. Ang madalas niyang iginuguhit ay mga portrait (madalas ay litrato ng bago nyang gf! Oops!) at nagpipinta din siya ng mga tanawin (Landscapes). Simula noon ay namulat na talaga ako sa sining ng pagguhit. Kaya naiinis ako sa mga sinasabi ng iba diyan na pinipigilan sila magdrowing ng mga magulang nila dahil ang sabi'y wala raw mapapala diyan! Ikaw, hayaan mo lang magdrowing ng magdrowing ang anak mo! Isipin n'yo talento iyon ng isang tao! Nagpapakita ng isang malikhaing Sining! Kungsabagay, hindi ko na dapat pansinin ang mga taong may maling pananaw sa Sining ng pagguhit!
Heto nga pala ang isa ko pang Lastikman Fanart. As usual, ang ginamit ko dito'y Lapis, Sign Pen at Pentel Pen. Anong masasabi nyo sa gawa ko dito? Comment naman kayo oh!
Sunday, January 29, 2006
Zuma Caricature!
Sa Drowing na ito, naisipan kong gumawa ng isang kakaibang fanart bilang pagsuporta sa ating Komiks (Philippine Comics). Naaalala n'yo pa ba si Zuma? Siya iyong mabangis na taong ahas na napapanood natin dati sa mga lumang pelikula na unang ginawa bilang Komiks. Nakakatuwa nga, dahil nakalagay pa si Zuma sa kasaysayan ng Komiks sa Philippine Almanac. Dahil sa aking pagkahilig sa karakter na ito, naisipan kong isa-karikatura gamit ang munting sketchpad ng kaibigan ko ang angas na ahas na ito. Nakakatuwa, dahil naisipan ko pang lagyan ng Dugo ang kanyang ngipin at kamay na puno ng matutulis na kuko upang mas lalong bumangis ang kanyang kakatwang hitsura. Medyo magulo nga lang ang drowing ko dito dahil inidigicam ko lang ito at hindi pa ako mahusay sa paggamit ng mga lapis pangkulay. Gayonpaman, labis akong nasisiyahan sa mga natapos kong karikatura dito. Tinawag pa nga ng iba na Zuma SD (Super Deformed) daw ito! Malaki rin ang napagbasehan ko sa pagguhit nito dahil bago ko pa man naisipang gawin ito'y may nakita akong astig na dibuho kay Zuma.
http://gilbertmonsanto.blogspot.com/2006/01/zuma-by-jim-fernandez.html#comments
Si Zuma ay Likha ni Jim Fenandez na unang lumabas bilang serye sa Aztec Komiks!
http://www.internationalhero.co.uk/z/zuma.htm
Sunday, January 22, 2006
Don Rufo at Toto.
Ito nga pala ang isa pang fanart ko sa Lastikman Komiks ng Mango Komiks...Ito nga pala ang dalawa sa orihinal na karakter ng Lastikman na si Don Rufo at si Toto...Sila Toto, Vinya at Don Rufo ang kumupkop sa alien na si Lastikman...Masaya ako sa gawa kong ito dahil unti-unti ko ng nakikita ang pagtaas ng aking abilidad at kaalaman sa pagguhit...Ang ginamit ko lang dito'y isang bond paper, lapis, pentel pen at sign pen...Malaki talaga ang pasasalamat ko sa mga artist na nagbibigay ng mga payo sa akin sa pagguhit...Salamat din sa panginoon sa pag gabay niya sa aking mga hangarin at pangarap... Salamat din at nagwaging muli ang ating PACMAN, dahil naiangat na ang karangalan ng Pilipinas sa palakasan...Malaki talaga ang naitulong ni Pacquiao sa Pilipinas dahil nagawang magkaisa ng buong bansa at nagawang kalimutan ang mga problema sa bayan...
Mabuhay ka Manny Pacman!!!
Ikaw ang bagong simbolo ng nagkakaisang Pinoy!!!
At ang panalo mo'y karangalan ng buong bansa!!!
Pinoy ako ay PINOOOYYY! Ipakita sa MUNDOOOO!!! Kung ano ang kaya KOOOOO!!!
Gawa kaya ako ng fanart na cartoon kay Pacquiao!? Hmmm!?
Mabuhay ka Manny Pacman!!!
Ikaw ang bagong simbolo ng nagkakaisang Pinoy!!!
At ang panalo mo'y karangalan ng buong bansa!!!
Pinoy ako ay PINOOOYYY! Ipakita sa MUNDOOOO!!! Kung ano ang kaya KOOOOO!!!
Gawa kaya ako ng fanart na cartoon kay Pacquiao!? Hmmm!?
Tuesday, January 17, 2006
-_-
Hay, amboring kanina sa klase!!! Haayy! Kungsabagay, ganyan naman talaga kadalasan ang ordinaryong araw ko...Heto't naisipan kong magpost ng isa ko pang drowing na Lastikman! Sa totoo lang ay photocopy na lang ito nung drowing ko na kinulayan ko ng color pencils...Ang mga drowings ko nga pala dito'y kinuhanan ko lang sa digicam sapagkat wala pa kaming scanner...Yung tunay kong drowing dito'y ipinadala ko sa K-Zone magazine! Kaso hindi naman nila ipinublish! Sa katunayan nga'y marami akong Lastikman Fanarts na ipinadala sa kanila eh, ngunit ni isa'y hindi man lang inilathala sa kanilang pambatang magasin...Siguro nga'y gaya ng sabi ng kaibigan ko na hindi ito patok sa interest nila kasi ang gusto nila'y puro manga, anime at Cartoons....Subalit, bakit hindi? E minsan pa nga silang naglagay ng review tungkol kay Lastikman lalo na dun sa Comics Reviews nila!!! Mahal ba ng K-Zone ang meron sa Pinoy? Isa pa, Pinoy Superhero si Lastiskman at ito'y patok rin sa masa! At ang Fanart na ito'y ginawa ko hindi lang dahil Pinoy ito kundi dahil sa paghanga ko sa mga tunay na lumikha kay Lastikman at sa mga nagpasigla at muling nagpapasigla ng Komiks (Philippine Comics) sa ating bansa...
Monday, January 16, 2006
Oh Heto pa! Lastikman!
Iyan ang aking Lastikman Fanart!
Heto iyong hitsura ng Lastikman sa bagong Komiks ng Mango Komiks (iyong naglalathala din sa Mwahaha at Darna Komiks!)...Sa totoo lang, mas nagustuhan ko pa iyong Komiks version ni Lastikman kaysa dun sa dalawang movies na ginaya kay Spiderman...Hindi dahil mahilig ako sa Komiks kundi dahil mas hitik sa katatawanan at malaki talaga ang kaibahan at kaastigan ng Lastikman na ito na pawang ibinase sa orihinal na konsepto ni Mars Ravelo(Creator ng Darna, Capt. Barbell at Bondying) mula sa pahina ng Aliwan Komiks noong Feb. 1 1965 sa kasaysayan ng Komiks sa Pilipinas...Ang Orig na Lastikman kasi ay isang Alien na nagmula sa planetang puno ng pang-aalipin sa mga nilalang! Nagkataong napadpad sa daigdig! Sa totoo lang, noong dinala ko pa nga yung komiks sa iskul ay nawiling basahin ng mga kaklase ko na wala namang kahilig-hilig bumasa...Talaga namang matatawa ka pag nabasa mo ang komiks na ito dahil sa dami ng kalokohan sa bawat pahina...Talagang matindi ang pinagsanib na imahinasyon ng sumulat na si Gerry Alanguilan at ng gumuhit na si Arnold Arre...Aztig pa yung mga kalaban na Lastikmen!!!
Walastik!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)