Friday, February 03, 2006

I'm a Lastik Fan! Hehehe!


Simula noong nabasa ko ang bagong Lastikman Komiks at ng makita ko ang iba't ibang hitsura't pagkakagawa sa costume ni Lastikman ay talagang namangha ako. Naaaztigan ako sa kanyang bersyon sa komiks kaya ko madalas maisipang magdrowing ng ating aztig na tagapagtanggol. Hilig ko talaga ang komiks! Siyempre, dahil nais ko ring maging comic artist katulad ng mga iniidolo ko simula pa noong maliit pa ako. Noong maliit pa kasi ako'y mahilig na akong magdrowing at tumingin sa komiks kahit hindi pa ako marunong bumasa noong panahong iyon. Nahilig talaga ako sa pagdrowing dahil sa tito ko. Isa kasi siyang artist! Maraming nagpapadrowing sa kanya. Naaalala ko noong maliit pa ako na lagi siyang nagdodrowing sa tapat ng tindahan ng kapatid ng lola ko. Madalas siyang tinitingnan ng mga kalaro ko, tapos ako noon ay isang ksp na kukuha pa ng lapis at papel tapos ay makikigaya din sa iginuguhit ng tito ko. Ang kaibahan nga lang namin ay hindi nagdodrowing ng mala-komiks at cartoons ang tito ko. Ang madalas niyang iginuguhit ay mga portrait (madalas ay litrato ng bago nyang gf! Oops!) at nagpipinta din siya ng mga tanawin (Landscapes). Simula noon ay namulat na talaga ako sa sining ng pagguhit. Kaya naiinis ako sa mga sinasabi ng iba diyan na pinipigilan sila magdrowing ng mga magulang nila dahil ang sabi'y wala raw mapapala diyan! Ikaw, hayaan mo lang magdrowing ng magdrowing ang anak mo! Isipin n'yo talento iyon ng isang tao! Nagpapakita ng isang malikhaing Sining! Kungsabagay, hindi ko na dapat pansinin ang mga taong may maling pananaw sa Sining ng pagguhit!

Heto nga pala ang isa ko pang Lastikman Fanart. As usual, ang ginamit ko dito'y Lapis, Sign Pen at Pentel Pen. Anong masasabi nyo sa gawa ko dito? Comment naman kayo oh!

5 comments:

Mamaru said...

Nice art of Laktikman. Meron din akong version ng costumes ni Lastikman. Yun nga lang ala akong scanner eh. Tee he he.:D Pero next time baka ipa-scan ko. Nice drawing ipagpatuloy mo iyan

Wylz said...

Maraming Salamat! Mamaru? Hmmm...Nakilala na ba kita dati?! Hmmm? Sige, hihintayin ko iyong bersyon mo ng Lastikman...Upang may maidagdag ako muli sa Friendster ni Lastikman! Nakita ko rin iyong talaan mo ah! Aztig! Marami kang mga pagsusuri sa mga pinakabagong Anime at mga cosplay! ...AzteeeGG!

Mamaru said...

:D I'm an avid fan of Mr. Gilbert Monsanto. So far,nagbubukas din ako ng ibang blog ng mga blogster....mahilig kasi ako sa mga pinoy super heroes eh. Sayang nga lang, lahat ng mga komiks ko na merong Pinoy Super Heroes, nawala na. :D

Wylz said...

Azteeg! Kay gandang malaman sa iyo na may pagtangkilik ka sa mga Tagapagtanggol ng ating bayan...Sayang naman! Iyon pa naman ang hinahanap ng mga "Komiks" kolektor. Lalo na kung minsan para sa mga museyong Komiks...Ako talaga, sinusoportahan ko ang industriya ng Komiks(Philippine Comics) natin! Sayang naman kasi iyong mga magagandang pamanang Sining ng Komiks natin diba?!

Greco said...

ayos mga drawing mo ng LastikMan ah! Pagpatuloy mo lang yan. Suportahan natin ang Pinoy Komiks!