Sunday, March 05, 2006

Hay! Isang lumang drowing noong isang taon...Mga Maligno't Mamaw!!!

Wala pa rin akong maipost na bagong drowing sa blog ko ngayon kaya ito na lang ang naisip kong ipost...Ehem! Heto nga pala ang drowing ko noong isang taon! Iyan ay mga maligno mula sa ating Philippine Myth's or folklore man iyan. Hehe! Mababa pa noong panahong iyon ang kaalaman ko sa pagdagdag ng datalye. Dadagdagan ko nga sana ito ng datalye, kaso tinatamad na ako dahil kailangan ko pang tapusin iyong ginagawa kong mga karikatura para sa aming yearbook! (Makagraduate kaya ako?)

Hu!!! Mula pala sa itaas diyan sa kaliwa hanggang sa ibabang kaliwa (clockwise!): Ang taong kabayong Tikbalang, Ang Manananggal, Ang Kapre na mahilig magtabako, Ang Nuno sa Punso o Duwende, Bolang Apoy at isang lalaking Aswang...

Sabi daw ng iba lalo na iyong mga taga-probinya'y totoo daw ito. Naaalala ko pa nga iyong kuwento ng malandi naming katulong tungkol sa mga alagang duwende ng namatay na niyang ina at ang mga kuwento tungkol sa aswang ng mga kamag-anak ko sa Bikol...

Hehehe...Sa drowing kong ito'y parang hindi sila nakakatakot! Gagawa na lang ako ng mas pinatinding mga maligno sa susunod!

AHHHHHH!!!! MUUUMUUUUUUU!!!!

6 comments:

Anonymous said...

Wow, Tagalog na Tagalog ang blog n'yo ah!

Magaling naman po kayong gumuhit, Kuya! Gusto ko po ang mga gawa n'yo. =D

Wylz said...

Ah, Ganun ba? Hehe! Salamat! Siyempre dahil mahal ko ang sarili kong wika...Nais ko pa ngang mapatalinghaga ang pagsasalita ko eh. Hehe! :-)

Mamaru said...

Galing nga ng mga drawings mo e...:D

Wylz said...

Salamat...

Sana nga'y hindi lang kapwa alagad ng Sining ang nakakatangkilik ng gawa ko...Lubhang masakit sa akin ang hindi mapansin ang sining at ang nag-iisa kong abilidad sa buhay...Sana nga mapa-angat ko pa ang kakayahan ko sa pagguhit...Alam nyo, pangarap ko kasing maging dibuhista sa komiks...

Hu! Drama ko no?

Anino said...

May makakapansin din sayo.Lahat naman may tamang panahon.
Ganda ng horror drawing mo.

Anino said...

http://madilimnakasaysayan.blogspot.com/