Hay, grabe ang araw na ire! Kinansela ang pasukan ngayon sa lahat ng paaralan dahil sa anibersaryo ng Edsa 1 at sa nasabing Kudeta na mas naaaztigan pa akong tawagin itong Kupde-Etat!!! At bukas nga pala'y Foundation Day ng iskul ko, kung saan darating ang sikat na bandang Kamikazee na tatlong kanta lang daw ang aawitin. Ewan ko lang kung matutuloy pa ito...Ang tagal ko na palang hindi nakakapagpost! Whew!!! Heto nga pala ang bago ko nanamang kabalbalan este drowing pala! Walang iba kundi ang bayaning si Francisco Dagohoy! Ito'y sarili kong bersiyon ng pagkakaguhit sa mala-Komiks niyang hitsura dito...Isang Pilipinong Rebolusyonaryo noong panahon ng Kastila. Si Francisco Dagohoy ang namuno sa pinakamahabang pag-aalsa laban sa Kastila sa kasaysayan ng ating bansa. Biruin mong 85 taon (1744-1829) ang nasabing pag-aalsa!!! Si Dagohoy ay may napakahusay na blilis sa pakikidigma lalu na paggamit ng Arnis (Isang Uri ng Pakikipagtunggali) at sinasabing gumagamit siya ng Agimat o Anting-anting (Isang uri ng Kwintas o inukit na bato na nagtataglay ng kapangyarihan o lakas kapag ito'y ginamit). Nasip ko talagang idrowing si Dagohoy dahil isa siyang bayani at dahil sa kanyang mala-Komiks na kasaysayan...Naisip ko rin na gawan ko si Dagohoy ng sarili kong bersiyon kaya ganyan ang hitsura. Nais ko rin sanang idrowing iyong kakatwang Komikstrip na Dagohoy(sa Sunday Komiks ng Inquirer dati) na minsang ipinalabas sa Kapuso bilang isang Cartoons. Siyempre, mas karapat-dapat kong iguhit na matipuno ang hitsura ng nasabing Kenkoy na Dagohoy.
Sa mga hindi nakakaalam kung sino si Francisco Dagohoy ay magpunta kayo dito:
http://www.elaput.org/chrmdhoy.htm
http://www.deviantart.com/deviation/1747340/
Komento po!!!
1 comment:
thnks...it helped a lot!
Post a Comment