Monday, January 16, 2006

Oh Heto pa! Lastikman!


Iyan ang aking Lastikman Fanart!
Heto iyong hitsura ng Lastikman sa bagong Komiks ng Mango Komiks (iyong naglalathala din sa Mwahaha at Darna Komiks!)...Sa totoo lang, mas nagustuhan ko pa iyong Komiks version ni Lastikman kaysa dun sa dalawang movies na ginaya kay Spiderman...Hindi dahil mahilig ako sa Komiks kundi dahil mas hitik sa katatawanan at malaki talaga ang kaibahan at kaastigan ng Lastikman na ito na pawang ibinase sa orihinal na konsepto ni Mars Ravelo(Creator ng Darna, Capt. Barbell at Bondying) mula sa pahina ng Aliwan Komiks noong Feb. 1 1965 sa kasaysayan ng Komiks sa Pilipinas...Ang Orig na Lastikman kasi ay isang Alien na nagmula sa planetang puno ng pang-aalipin sa mga nilalang! Nagkataong napadpad sa daigdig! Sa totoo lang, noong dinala ko pa nga yung komiks sa iskul ay nawiling basahin ng mga kaklase ko na wala namang kahilig-hilig bumasa...Talaga namang matatawa ka pag nabasa mo ang komiks na ito dahil sa dami ng kalokohan sa bawat pahina...Talagang matindi ang pinagsanib na imahinasyon ng sumulat na si Gerry Alanguilan at ng gumuhit na si Arnold Arre...Aztig pa yung mga kalaban na Lastikmen!!!
Walastik!!!

4 comments:

Gerry Alanguilan said...

Astig!! :)

Wylz said...

Uy kayo po pala sir Gerry! Salamat sa pag visit sa blog ko! I'll post more of my drowings!!!

azrael said...

yo wlyz!!
astig ng fan art mo ah

goodluck sa drawing!

basta drawing lang lagi ehhhee


:)az

Wylz said...

Uy! Si Sir Az! Maraming Salamat din po sa inyo!