Saturday, July 30, 2005

Tila kinakalaban yata ako ng Panahon! Pero kung kinakalaban talaga ako e talagang lalabanan ko at pipilitin kong magwagi sa hamon ng buhay...

Hay! Maraming Salamat at may mga nagbabasa naman pala ng blog ko! Salamat nga pala dun sa nagcomment sakin! Artist Ian & kuya Mark! Ang dalawang aztig na artist! Well, naiisip ko talaga magblog pag masaya ako o kung me nais akong ilabas na sama ng loob...Hay! Salamat dun sa pag bigay mo kuya Mark nung Photobucket.com yun nga lang e may problema...Naiinis kasi ako kasi kanina dalawang beses na ko nagregister ng paulit-ulit dahil sa pagloloko ng lintik na computer o internet na to...Pano, ni hindi ko man lang maactivate yung account ko! Ganyan din ang nagyayari sakin pag nag-reregister ako sa mga forums dahil ayaw magsend sa e-mail ko ung account number (tama ba?) pag nag-reregister ako...Pakiramdam ko tuloy tila inaayawan ako ng tadhana o kinakalaban ng Panahon na parang nakikipaglaro sa kin ang masamang elemento! Nakakainis! Marami akong bagay na maliit man o malaki na talagang pinoproblema ko...Mga bagay tulad ng mga pangakong hindi maisakatuparan...Tulad nyang nabanggit ko! Ang utak ko na parang sinisira ng mga demonyo! Mga bagay na gusto ko na tila ayaw ibigay...Tulad na lang nung maraming beses na akong nagsesend ng fan-art para sa isang pambatang magasin ngunit ayaw ilabas sa nasabing magasin...Tapos me nakapasok na namang peste sa kwarto ko! Tapos kulang ako sa energy sa klase at napakabagal ko mag-isip sa anumang aralin...Mga drowing na hindi ko makaya tulad ng pagdrowing ng mga bahay,building,sasakyan at babae...Pero konting praktis lang at siguradong maiimprub ko to...Hindi ko alam kung dapat akong mainis sa sarili ko...E ginagawa ko naman ang lahat...May mga bagay pa na aking pinoproblema na hindi ko maintindihan sa aking sarili...Tama nga ang sabi ng iba! Wirdo ako! Kasi kahit ako nawiwirdohan din sa sarili ko! Bakit masyadong kakaiba ang pangalan ko?! Bakit maraming bagay na talagang hindi ko maintindihan kahit intindihin ko pa?! Bakit maraming bagay ang hindi ko kaya at nabobobo ako!? Bakit ayaw akong ipagcommute ng parents ko at hanggang ngayon ay serbis pa ko, gayong malaki na ako at kaya ng tumayo sa sarili!? Masyado naman ata ang pag-aalala nila sakin ngayong nasa mataas na paaralan naman ako at maganda ang pakitungo ng lahat! Tila hindi ko nararamdaman ang pagiging 16 yrs old!!! Gusto ko kasing makamtan ang kaligayang timatamasa na ng mga kagaya ko! Ayokong mapabayaan ang aking sarili sapagkat marami akong pangarap sa buhay...Kung gano man kahirap ang pagsubok ay gagawin ko upang matupad ang pangarap at ang kaligayahang pilit na tinatamasa...Sabi nga sa kin ng kaibigan ko "Wag kang susuko!" isang bagay na pakakatatandaan ko at parati kong maiisip at gagawin sa mga bagay na nais kong tahakin...
Marunong ba talaga akong magblog?!

Magulo ba ako?!

Friday, July 29, 2005

4th Year Hayskul na ko!!!

Hu! Parang kelan lang Grade 6 ako! Pero eto na! Ang daming aralin at maagang periodical Exam! Pero hanggang ngayon e medyo tinatamad-tamad pa rin naman akong mag-aral! Siguro dahil sa pagkapuyat dahil ang aga ng gising ko! Alas-4 ng umaga pucha! Ang iniisip ko na lang e makapaghanda sa college at makapaghanap ng magandang trabaho upang masoportahan ang sarili sa college! Ang gusto ko lang namang trabaho habang nag-aaral pa e magdibuhista o kartunista sa mga lokal na komiks! O di kayay ilustrador ng mga libro! At alam ko ang aking kursong dapat tahakin balang-araw! Ang alam ko lang na course na bagay sa kin at kaya ko e Fine Arts Major in Advertising!
Kaya kong panindigan ang papasukin kong pagsubok at pangarap na tatahakin mula sa karera ng buhay....

O kaytagal ko na palang hindi nagpaparamdam!

Nais ko sanang pagandahahin ang blog na to, ngunit nahihirapan pa rin ako kung paano maglagay ng mga picx! Hindi pa ako makapag-link ng ibang websites at blogs! Hindi naman sa hindi ko alam subalit wala akong oras! Wala akong oras sapagkat marami akong mga araling hindi ko maintindihan kahit intindihin ko pa, mga ipinangakong gagawin sa aking mga kaibigan at mga bagay na hindi ko maintindihan ng dahil sa aking pagkabobo...At kung sana man lang me nagbabasa ng blog na to para makilala nyo kung sino talaga ako...Ang akala kasi ng iba jan ganun-ganun ako na parang kung pano nyo ko tingnan! Hay! Kaya tinamad ako magblog nung bakasyon e pano wala namang nagbabasa at tsaka me maganda akong sinusurf at download sa internet e...Huubaa huubaa!

Thursday, March 24, 2005

Happy Bday to me...

Its my bday today...Hay!Kahit Huwebes Santo ngayon naging masaya naman ang bday ko...Hay!Salamat sa mga bumati sakin...Yung mga nagtxt at 2mawag sa fone salamat...Hay!At 16 yrs old na ko...Hahaha!Kaybilis ng panahon...Tumatanda na tayo at dapat kong maenjoy ang pagiging 16...Hehehe!At oo nga pala may bagong aztig sa friendster!Yung blog at photoalbum...Naku!Baka mapagiwanan ko na tong blog nato...Pano ang hirap magpost ng mga pics...Hay!

Thursday, March 17, 2005

Hu!Hay tapos na ang Exam...

Grabe!Nahirapan ako sa periodical exam lalu na sa Chemistry at Math na talagang nangamote ako...Hay!At tapos na ang schoolyear...Paalam na sa pinakapaboritong section ng mga teachers ang III-Self Destruction....Hay!Mamimiss ko ang mga klasmeyts ko.Hay!Pati yung mga pasaway at yung mga crushes ko...Hehehe!Hu!Pero ang saya-saya dahil Bakasyon na tayo..Yeheeeyy!Putangina ang sarap nitong bakasyon umuulan kanina...Hehehe!Ano kayang magandang gawin dis Summer?Hehehe!Hay!

Tuesday, February 22, 2005

Hay!Kung natapos ko lang yung prajek ko ngayon!Hindi nako papasok bukas pano wala namang klase...

Hu!Kaytagal ko na ring hindi nakakapagblog!Hay ang boring kanina pano intrams!Puro laro!Nagkaroon ng laban sa Basketbol...3rd yr vs 4th yr!At cyempre ung mga klasmeyts kong 3rd yr ang nanalo kaso pagdating sa laban ng 2nd yir!Natambakan!Sayang!Ang lalaki kasi ng mga 2nd yir na yan...
Tapos yung sumunod na laban nakakaboring na e!Mga girlz...Lang kwenta!So naghanap ako ng maiistambayan dun nalang malapit sa canteen kung saan nagaganap ang laban sa Badminton at Darts...Tamang-tama na may mapaglilibangan!Ung Chess kung san pati yung Adviser namin naglalaro din...Hay!Marunong nga ako nito pero talunan talaga ako dito...Inaamin ko mahina utak ko dito...Kaninay medyo naBadtrip ako pano napalapit yung kaklase kong sabihin nating magaling at sabiy "C Boston(Kaklase ko kalaban ko kanina)panalo c Wylz talo...Aba!Kung magsalita to!Porke madalas lang ako matalo...Haar!So etot parang isang pagsubok na hinarap ko ang laban at ako rin ang nanalo...Haha!
Tapos!Yung sumunod na laban natalo na ko!Pano may mga pasaway!Nalito tuloy ako!Nakain yung reyna!Bumalik uli yung Reyna pero nakain uli...Hay!Nanghina nanaman ang aking isipan!Mga pasaway kasi e!Pero naulit uli ang laban namin at nanalo na ko dahil wala na yung mga pasaway.Tapos naulit nanaman pero panalo nanaman ako!Yeh BoY!
Tapos yung sunod kong kinalaban ay Grade 1...Siyempre ang daling kalabanin...E nagkataong gustong pumalit ng adviser ko sa kanya...Aba!Dun na ko napasubo!Pero malapit ko ng mamate.Ayun!Gustong maglaro ng kaklase ko at siya ang pumalit sakin...At itim din ang nagwagi sa laban...Tapos ayun maglalaro naman ako ng Games of the Generals kaso hindi na natapos pano dumating yung serbis ko!
Hay!
At least hindi masyadong boring ngayon sa iskul.
Pag natapos ko na yung prajek bukas hindi na ko papasok sa huwebes...

Saturday, February 12, 2005

Rider Change!!!


Isa ito sa mga fovorite kong superheroes...Ang mga Masked Riders! Sana lahat sila ipalabas dito sa pinas...Sila pa naman ang mga orig na Riders na nagsimula pa noong Dekada 70...Namimiss ko na rin yung paborito kong si Masked Rider Black...Rider Change!

Hay ang init talaga! Posted by Hello

Monday, February 07, 2005

Hay naku!Hindi naman ako gaano naBadtrip today...

Hay!Eto!Katatapos ko lang magDrowing sa aking SketchPad ng paborito kong Superhero...Hay alam nyo kanina sa iskul!Well...Ummm!Ok lang!Konti lang naman yung mga absent!Tapos kanina ay putsa!Nakalimutan kong may Quiz pala ngayon sa Math!Nung nagQuiz na kami,eto nangangamote nanaman ako dahil wala akong nereview ni kahit isa man.Di bale!Math lang naman yun!Madali naman dung makapasa!Tapos kaninang recess,eto ako nakikisama nanaman sa mga RagnaBoyz!Kung anu-ano yung pinaguusapan nila hindi naman ako nakakarelate kasi hindi naman ako nagRaRagna...Well,sanay naman na akong makisama sa mga to e!Kse parati ko na silang pinapakisamahan since nung 1st year pa na datiy puro CounterStrike naman ang usapan...Sila lang naman ang mapapakisamahan ko tuwing recess at lunch e...Tapos kanina nagpraktis nanaman kami ng sayaw para sa darating na Foundation Day saming iskul...Hay naku!Mejo nagegetz ko naman na yung mga steps sa sayaw pero sa totoo lang ay napapangitan ako sa steps namin kasi yung steps namin parang nagbabasketbol daw pero dun naman sa steps na yun hindi lang puro mala-Basketbol yung style at merong mga steps na hindi ko maintindihan kung bakit may ganun pa.Tapos nagtataka lang ako tungkol dun sa SketchPad ko sa art kasi kinukuha ng Art titser ko yung Skecthpad para daw sa mga magagandang drowings na ipopost sa campus...Ng makita ko naman yung mga nakapost na drowings...Aba!Makita ko sa kaklase ko dalawa pa yung nakapost at maraming mga nakadikit na magagandang drowings ng Hayskul!E bat sakin wala!Nagtataka nga ako e!Kukunin yung SkechPad ko tapos wala din palang saysay.Sa totoo lang ayokong nasasayang ang aking mga pinaghihirapan lalu na pagdating sa drowing...Ilang beses na kasi tong nangyari sakin...Sabagay!Alam ko namang marami pa akong kulang at mali sa mga ginagawa ko at gusto kong matutuhan ang tama...Hindi naman ako sa nagyayabang pero yung ibang drowing dun...Mas maganda pa sakin lalu na yung ginawa kong portrait ng kaklase kong Bumbay...Well,lagi na lang yata akong may well na sasabihin dito...Paguwi ko mejo pagod ako at madungis so naghilamos ako at pagkatapos nuy nagpahinga...Maligaya naman ako at walang assignment ngayon...Cge ito nalang gigising pa ko ng maaga e! :-)

Sunday, February 06, 2005

Chinese way of MODERATE EATING....

Eat all you can using only one CHOPSTICK.Guaranteed you will lose weight.
Kung Hei Fat Choi!
Snay mging maayos ang kapalaran ng ating bansa s taon ng Tandang... :-)

IF I WERE A DOG AND YOU WERE A FLOWER...

I'D LIFT MY LEG AND GIVE YOU A SHOWER...

Bakit BILOG lagi ang kulangot?!

Sige nga,kung kaya mong gawing KWADRADO...Bibilib ako sa'yo.Ehehe!

E2 p isa!

Kelangan kong makapaglagay ng pic dito kaso mjo nagloloko p ang computer ko so nxt tym nlang!

Hay alam nyo Guyz!

I huv so many problems today!Ay naku!Kahapon pumunta ako ng iskul kasama si Mommy pra kunin ung card ko at maraming cnabi ung adviser kong bisaya 2ngkol sakn...Nakow!Ang dme ko plang bagsak at ngaun dahil 4th Qtr n eto nlang ang aking last chance pra pumasa!Pg bumagsak uli ako,nakow pow!Summer Classes nanaman gya nung 1st yr at ndi ko mapagpapahinga ang utak ko!Mron p nman akong gs2ng gawin dis summer nakow!Papasyal s mall kasama ang barkada,nood ng sine,mkipagmeet s mga girlz,inuman,pulutan tpos gs2 ko pang mag Art Studies pra maimprub ko ung Drowing ko...Hay naku!Cge un lng!D ko p kse nagagawa ung assignments ko e! :-0

Hay salamat at nakagawa na rin ako ng Blog!

Sna mraming ngbabasa nito!Ummm!Ano ba dapat ko sabihin?Hmmm!