Saturday, July 30, 2005

Tila kinakalaban yata ako ng Panahon! Pero kung kinakalaban talaga ako e talagang lalabanan ko at pipilitin kong magwagi sa hamon ng buhay...

Hay! Maraming Salamat at may mga nagbabasa naman pala ng blog ko! Salamat nga pala dun sa nagcomment sakin! Artist Ian & kuya Mark! Ang dalawang aztig na artist! Well, naiisip ko talaga magblog pag masaya ako o kung me nais akong ilabas na sama ng loob...Hay! Salamat dun sa pag bigay mo kuya Mark nung Photobucket.com yun nga lang e may problema...Naiinis kasi ako kasi kanina dalawang beses na ko nagregister ng paulit-ulit dahil sa pagloloko ng lintik na computer o internet na to...Pano, ni hindi ko man lang maactivate yung account ko! Ganyan din ang nagyayari sakin pag nag-reregister ako sa mga forums dahil ayaw magsend sa e-mail ko ung account number (tama ba?) pag nag-reregister ako...Pakiramdam ko tuloy tila inaayawan ako ng tadhana o kinakalaban ng Panahon na parang nakikipaglaro sa kin ang masamang elemento! Nakakainis! Marami akong bagay na maliit man o malaki na talagang pinoproblema ko...Mga bagay tulad ng mga pangakong hindi maisakatuparan...Tulad nyang nabanggit ko! Ang utak ko na parang sinisira ng mga demonyo! Mga bagay na gusto ko na tila ayaw ibigay...Tulad na lang nung maraming beses na akong nagsesend ng fan-art para sa isang pambatang magasin ngunit ayaw ilabas sa nasabing magasin...Tapos me nakapasok na namang peste sa kwarto ko! Tapos kulang ako sa energy sa klase at napakabagal ko mag-isip sa anumang aralin...Mga drowing na hindi ko makaya tulad ng pagdrowing ng mga bahay,building,sasakyan at babae...Pero konting praktis lang at siguradong maiimprub ko to...Hindi ko alam kung dapat akong mainis sa sarili ko...E ginagawa ko naman ang lahat...May mga bagay pa na aking pinoproblema na hindi ko maintindihan sa aking sarili...Tama nga ang sabi ng iba! Wirdo ako! Kasi kahit ako nawiwirdohan din sa sarili ko! Bakit masyadong kakaiba ang pangalan ko?! Bakit maraming bagay na talagang hindi ko maintindihan kahit intindihin ko pa?! Bakit maraming bagay ang hindi ko kaya at nabobobo ako!? Bakit ayaw akong ipagcommute ng parents ko at hanggang ngayon ay serbis pa ko, gayong malaki na ako at kaya ng tumayo sa sarili!? Masyado naman ata ang pag-aalala nila sakin ngayong nasa mataas na paaralan naman ako at maganda ang pakitungo ng lahat! Tila hindi ko nararamdaman ang pagiging 16 yrs old!!! Gusto ko kasing makamtan ang kaligayang timatamasa na ng mga kagaya ko! Ayokong mapabayaan ang aking sarili sapagkat marami akong pangarap sa buhay...Kung gano man kahirap ang pagsubok ay gagawin ko upang matupad ang pangarap at ang kaligayahang pilit na tinatamasa...Sabi nga sa kin ng kaibigan ko "Wag kang susuko!" isang bagay na pakakatatandaan ko at parati kong maiisip at gagawin sa mga bagay na nais kong tahakin...
Marunong ba talaga akong magblog?!

Magulo ba ako?!

3 comments:

mark said...

naiintindihan kita tol! hehe.. parehas lang tayong maraming bagay na nais gawin.. cge ilabas mo pa ang nararamdaman mo! feel free!

praktis lang lagi sa pgdrawing!

balang araw nasa Comic Industry na rin tayo!.. =)

mangguhit said...

Oo tama si mark.

praktis lang ang pagdo drowing pre.
gawin mo araw-araw, kahit dalawa o tatlong oras maglaan ka, pero mas madalas mas mapapabilis kang matututo.

Okey lang na hindi mo makuha ngayon ng tama ang gusto mong gawin/drowingin,...
wag ka mainggit sa iba.
Ngayon akala mo lang mali yan drowing mo pero ituloy-tuloy mo lang kasi nasa baytang kung saan kasalukuyang denedevelop mo ang sarili mong istilo.

Basta magdrowing ka ng magdrowing,
idrowing mo muna ngayon kung ano ang nakikita mo nasa paligid-ligid, bintana, upuan, computer, kama, celfone,
kisame, aso, butiki at kung ano pang bagay hayop at tao na makikita mo pagdungaw mo sa bintana mo, sanayin mo ang iyong sarili

Lahat yan magagamit mo pagdating ng araw na hinihintay mo.
Magtiyaga ka lang at magtiwala
sa yung sarili.
Magdasal ka.

God Bless!

Wylz said...

Uy, kayo po pala Mangguhit! Labis akong nagagalak sa mga komento n'yo dahil malaki ang naitutulong nito sa akin...Mabuti't naisipan kong magblog upang makahingi ng payo sa mga tulad n'yong Alagad ng Sining...Sa totoo nga lang po'y labis akong nasasabik na makapasok sa industriya ng Komiks!

Kuya Mark at Mang Guhit, maraming salamat po sa mga ipinapayo n'yo sa akin at naway makatulong ito ng malaki sa aking pagguhit at sa aking Magulong Malikhaing Isipan!