Hay! Oo, lumang isyu na ito subalit hindi pa rin natatapos...Siguro napabayaan na ang pagsisinungaling ng kupal na ito eh! Heto nga pala ang isa sa mga ginawa ko noong training ko para sa contest...Sa mga hindi nakakaalam kung sino ang maliit na lalakeng may suot na salakot na madalas nating nakikita sa mga Ed Cartoons sa dyaryo, siya ay si Juan de la Cruz na simbolo ng Pilipinas...Katulad din sa states na si Uncle Sam naman!!!
Ang dami ko kasing kakilala na madalas magtanong kung sino si Juan de la Cruz eh!
Hu! Napakagulo na ng Pilipinas no?!
Medyo tinatamad akong magdrowing ngayong araw na 'to ah!
Sunday, February 26, 2006
Friday, February 24, 2006
Ay! Kay tagal ko na palang hindi nakakapagpost!!!
Hay, grabe ang araw na ire! Kinansela ang pasukan ngayon sa lahat ng paaralan dahil sa anibersaryo ng Edsa 1 at sa nasabing Kudeta na mas naaaztigan pa akong tawagin itong Kupde-Etat!!! At bukas nga pala'y Foundation Day ng iskul ko, kung saan darating ang sikat na bandang Kamikazee na tatlong kanta lang daw ang aawitin. Ewan ko lang kung matutuloy pa ito...Ang tagal ko na palang hindi nakakapagpost! Whew!!! Heto nga pala ang bago ko nanamang kabalbalan este drowing pala! Walang iba kundi ang bayaning si Francisco Dagohoy! Ito'y sarili kong bersiyon ng pagkakaguhit sa mala-Komiks niyang hitsura dito...Isang Pilipinong Rebolusyonaryo noong panahon ng Kastila. Si Francisco Dagohoy ang namuno sa pinakamahabang pag-aalsa laban sa Kastila sa kasaysayan ng ating bansa. Biruin mong 85 taon (1744-1829) ang nasabing pag-aalsa!!! Si Dagohoy ay may napakahusay na blilis sa pakikidigma lalu na paggamit ng Arnis (Isang Uri ng Pakikipagtunggali) at sinasabing gumagamit siya ng Agimat o Anting-anting (Isang uri ng Kwintas o inukit na bato na nagtataglay ng kapangyarihan o lakas kapag ito'y ginamit). Nasip ko talagang idrowing si Dagohoy dahil isa siyang bayani at dahil sa kanyang mala-Komiks na kasaysayan...Naisip ko rin na gawan ko si Dagohoy ng sarili kong bersiyon kaya ganyan ang hitsura. Nais ko rin sanang idrowing iyong kakatwang Komikstrip na Dagohoy(sa Sunday Komiks ng Inquirer dati) na minsang ipinalabas sa Kapuso bilang isang Cartoons. Siyempre, mas karapat-dapat kong iguhit na matipuno ang hitsura ng nasabing Kenkoy na Dagohoy.
Sa mga hindi nakakaalam kung sino si Francisco Dagohoy ay magpunta kayo dito:
http://www.elaput.org/chrmdhoy.htm
http://www.deviantart.com/deviation/1747340/
Komento po!!!
Sa mga hindi nakakaalam kung sino si Francisco Dagohoy ay magpunta kayo dito:
http://www.elaput.org/chrmdhoy.htm
http://www.deviantart.com/deviation/1747340/
Komento po!!!
Friday, February 03, 2006
I'm a Lastik Fan! Hehehe!
Simula noong nabasa ko ang bagong Lastikman Komiks at ng makita ko ang iba't ibang hitsura't pagkakagawa sa costume ni Lastikman ay talagang namangha ako. Naaaztigan ako sa kanyang bersyon sa komiks kaya ko madalas maisipang magdrowing ng ating aztig na tagapagtanggol. Hilig ko talaga ang komiks! Siyempre, dahil nais ko ring maging comic artist katulad ng mga iniidolo ko simula pa noong maliit pa ako. Noong maliit pa kasi ako'y mahilig na akong magdrowing at tumingin sa komiks kahit hindi pa ako marunong bumasa noong panahong iyon. Nahilig talaga ako sa pagdrowing dahil sa tito ko. Isa kasi siyang artist! Maraming nagpapadrowing sa kanya. Naaalala ko noong maliit pa ako na lagi siyang nagdodrowing sa tapat ng tindahan ng kapatid ng lola ko. Madalas siyang tinitingnan ng mga kalaro ko, tapos ako noon ay isang ksp na kukuha pa ng lapis at papel tapos ay makikigaya din sa iginuguhit ng tito ko. Ang kaibahan nga lang namin ay hindi nagdodrowing ng mala-komiks at cartoons ang tito ko. Ang madalas niyang iginuguhit ay mga portrait (madalas ay litrato ng bago nyang gf! Oops!) at nagpipinta din siya ng mga tanawin (Landscapes). Simula noon ay namulat na talaga ako sa sining ng pagguhit. Kaya naiinis ako sa mga sinasabi ng iba diyan na pinipigilan sila magdrowing ng mga magulang nila dahil ang sabi'y wala raw mapapala diyan! Ikaw, hayaan mo lang magdrowing ng magdrowing ang anak mo! Isipin n'yo talento iyon ng isang tao! Nagpapakita ng isang malikhaing Sining! Kungsabagay, hindi ko na dapat pansinin ang mga taong may maling pananaw sa Sining ng pagguhit!
Heto nga pala ang isa ko pang Lastikman Fanart. As usual, ang ginamit ko dito'y Lapis, Sign Pen at Pentel Pen. Anong masasabi nyo sa gawa ko dito? Comment naman kayo oh!
Subscribe to:
Posts (Atom)