Sunday, January 29, 2006
Zuma Caricature!
Sa Drowing na ito, naisipan kong gumawa ng isang kakaibang fanart bilang pagsuporta sa ating Komiks (Philippine Comics). Naaalala n'yo pa ba si Zuma? Siya iyong mabangis na taong ahas na napapanood natin dati sa mga lumang pelikula na unang ginawa bilang Komiks. Nakakatuwa nga, dahil nakalagay pa si Zuma sa kasaysayan ng Komiks sa Philippine Almanac. Dahil sa aking pagkahilig sa karakter na ito, naisipan kong isa-karikatura gamit ang munting sketchpad ng kaibigan ko ang angas na ahas na ito. Nakakatuwa, dahil naisipan ko pang lagyan ng Dugo ang kanyang ngipin at kamay na puno ng matutulis na kuko upang mas lalong bumangis ang kanyang kakatwang hitsura. Medyo magulo nga lang ang drowing ko dito dahil inidigicam ko lang ito at hindi pa ako mahusay sa paggamit ng mga lapis pangkulay. Gayonpaman, labis akong nasisiyahan sa mga natapos kong karikatura dito. Tinawag pa nga ng iba na Zuma SD (Super Deformed) daw ito! Malaki rin ang napagbasehan ko sa pagguhit nito dahil bago ko pa man naisipang gawin ito'y may nakita akong astig na dibuho kay Zuma.
http://gilbertmonsanto.blogspot.com/2006/01/zuma-by-jim-fernandez.html#comments
Si Zuma ay Likha ni Jim Fenandez na unang lumabas bilang serye sa Aztec Komiks!
http://www.internationalhero.co.uk/z/zuma.htm
Sunday, January 22, 2006
Don Rufo at Toto.
Ito nga pala ang isa pang fanart ko sa Lastikman Komiks ng Mango Komiks...Ito nga pala ang dalawa sa orihinal na karakter ng Lastikman na si Don Rufo at si Toto...Sila Toto, Vinya at Don Rufo ang kumupkop sa alien na si Lastikman...Masaya ako sa gawa kong ito dahil unti-unti ko ng nakikita ang pagtaas ng aking abilidad at kaalaman sa pagguhit...Ang ginamit ko lang dito'y isang bond paper, lapis, pentel pen at sign pen...Malaki talaga ang pasasalamat ko sa mga artist na nagbibigay ng mga payo sa akin sa pagguhit...Salamat din sa panginoon sa pag gabay niya sa aking mga hangarin at pangarap... Salamat din at nagwaging muli ang ating PACMAN, dahil naiangat na ang karangalan ng Pilipinas sa palakasan...Malaki talaga ang naitulong ni Pacquiao sa Pilipinas dahil nagawang magkaisa ng buong bansa at nagawang kalimutan ang mga problema sa bayan...
Mabuhay ka Manny Pacman!!!
Ikaw ang bagong simbolo ng nagkakaisang Pinoy!!!
At ang panalo mo'y karangalan ng buong bansa!!!
Pinoy ako ay PINOOOYYY! Ipakita sa MUNDOOOO!!! Kung ano ang kaya KOOOOO!!!
Gawa kaya ako ng fanart na cartoon kay Pacquiao!? Hmmm!?
Mabuhay ka Manny Pacman!!!
Ikaw ang bagong simbolo ng nagkakaisang Pinoy!!!
At ang panalo mo'y karangalan ng buong bansa!!!
Pinoy ako ay PINOOOYYY! Ipakita sa MUNDOOOO!!! Kung ano ang kaya KOOOOO!!!
Gawa kaya ako ng fanart na cartoon kay Pacquiao!? Hmmm!?
Tuesday, January 17, 2006
-_-
Hay, amboring kanina sa klase!!! Haayy! Kungsabagay, ganyan naman talaga kadalasan ang ordinaryong araw ko...Heto't naisipan kong magpost ng isa ko pang drowing na Lastikman! Sa totoo lang ay photocopy na lang ito nung drowing ko na kinulayan ko ng color pencils...Ang mga drowings ko nga pala dito'y kinuhanan ko lang sa digicam sapagkat wala pa kaming scanner...Yung tunay kong drowing dito'y ipinadala ko sa K-Zone magazine! Kaso hindi naman nila ipinublish! Sa katunayan nga'y marami akong Lastikman Fanarts na ipinadala sa kanila eh, ngunit ni isa'y hindi man lang inilathala sa kanilang pambatang magasin...Siguro nga'y gaya ng sabi ng kaibigan ko na hindi ito patok sa interest nila kasi ang gusto nila'y puro manga, anime at Cartoons....Subalit, bakit hindi? E minsan pa nga silang naglagay ng review tungkol kay Lastikman lalo na dun sa Comics Reviews nila!!! Mahal ba ng K-Zone ang meron sa Pinoy? Isa pa, Pinoy Superhero si Lastiskman at ito'y patok rin sa masa! At ang Fanart na ito'y ginawa ko hindi lang dahil Pinoy ito kundi dahil sa paghanga ko sa mga tunay na lumikha kay Lastikman at sa mga nagpasigla at muling nagpapasigla ng Komiks (Philippine Comics) sa ating bansa...
Monday, January 16, 2006
Oh Heto pa! Lastikman!
Iyan ang aking Lastikman Fanart!
Heto iyong hitsura ng Lastikman sa bagong Komiks ng Mango Komiks (iyong naglalathala din sa Mwahaha at Darna Komiks!)...Sa totoo lang, mas nagustuhan ko pa iyong Komiks version ni Lastikman kaysa dun sa dalawang movies na ginaya kay Spiderman...Hindi dahil mahilig ako sa Komiks kundi dahil mas hitik sa katatawanan at malaki talaga ang kaibahan at kaastigan ng Lastikman na ito na pawang ibinase sa orihinal na konsepto ni Mars Ravelo(Creator ng Darna, Capt. Barbell at Bondying) mula sa pahina ng Aliwan Komiks noong Feb. 1 1965 sa kasaysayan ng Komiks sa Pilipinas...Ang Orig na Lastikman kasi ay isang Alien na nagmula sa planetang puno ng pang-aalipin sa mga nilalang! Nagkataong napadpad sa daigdig! Sa totoo lang, noong dinala ko pa nga yung komiks sa iskul ay nawiling basahin ng mga kaklase ko na wala namang kahilig-hilig bumasa...Talaga namang matatawa ka pag nabasa mo ang komiks na ito dahil sa dami ng kalokohan sa bawat pahina...Talagang matindi ang pinagsanib na imahinasyon ng sumulat na si Gerry Alanguilan at ng gumuhit na si Arnold Arre...Aztig pa yung mga kalaban na Lastikmen!!!
Walastik!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)