Saturday, July 30, 2005

Tila kinakalaban yata ako ng Panahon! Pero kung kinakalaban talaga ako e talagang lalabanan ko at pipilitin kong magwagi sa hamon ng buhay...

Hay! Maraming Salamat at may mga nagbabasa naman pala ng blog ko! Salamat nga pala dun sa nagcomment sakin! Artist Ian & kuya Mark! Ang dalawang aztig na artist! Well, naiisip ko talaga magblog pag masaya ako o kung me nais akong ilabas na sama ng loob...Hay! Salamat dun sa pag bigay mo kuya Mark nung Photobucket.com yun nga lang e may problema...Naiinis kasi ako kasi kanina dalawang beses na ko nagregister ng paulit-ulit dahil sa pagloloko ng lintik na computer o internet na to...Pano, ni hindi ko man lang maactivate yung account ko! Ganyan din ang nagyayari sakin pag nag-reregister ako sa mga forums dahil ayaw magsend sa e-mail ko ung account number (tama ba?) pag nag-reregister ako...Pakiramdam ko tuloy tila inaayawan ako ng tadhana o kinakalaban ng Panahon na parang nakikipaglaro sa kin ang masamang elemento! Nakakainis! Marami akong bagay na maliit man o malaki na talagang pinoproblema ko...Mga bagay tulad ng mga pangakong hindi maisakatuparan...Tulad nyang nabanggit ko! Ang utak ko na parang sinisira ng mga demonyo! Mga bagay na gusto ko na tila ayaw ibigay...Tulad na lang nung maraming beses na akong nagsesend ng fan-art para sa isang pambatang magasin ngunit ayaw ilabas sa nasabing magasin...Tapos me nakapasok na namang peste sa kwarto ko! Tapos kulang ako sa energy sa klase at napakabagal ko mag-isip sa anumang aralin...Mga drowing na hindi ko makaya tulad ng pagdrowing ng mga bahay,building,sasakyan at babae...Pero konting praktis lang at siguradong maiimprub ko to...Hindi ko alam kung dapat akong mainis sa sarili ko...E ginagawa ko naman ang lahat...May mga bagay pa na aking pinoproblema na hindi ko maintindihan sa aking sarili...Tama nga ang sabi ng iba! Wirdo ako! Kasi kahit ako nawiwirdohan din sa sarili ko! Bakit masyadong kakaiba ang pangalan ko?! Bakit maraming bagay na talagang hindi ko maintindihan kahit intindihin ko pa?! Bakit maraming bagay ang hindi ko kaya at nabobobo ako!? Bakit ayaw akong ipagcommute ng parents ko at hanggang ngayon ay serbis pa ko, gayong malaki na ako at kaya ng tumayo sa sarili!? Masyado naman ata ang pag-aalala nila sakin ngayong nasa mataas na paaralan naman ako at maganda ang pakitungo ng lahat! Tila hindi ko nararamdaman ang pagiging 16 yrs old!!! Gusto ko kasing makamtan ang kaligayang timatamasa na ng mga kagaya ko! Ayokong mapabayaan ang aking sarili sapagkat marami akong pangarap sa buhay...Kung gano man kahirap ang pagsubok ay gagawin ko upang matupad ang pangarap at ang kaligayahang pilit na tinatamasa...Sabi nga sa kin ng kaibigan ko "Wag kang susuko!" isang bagay na pakakatatandaan ko at parati kong maiisip at gagawin sa mga bagay na nais kong tahakin...
Marunong ba talaga akong magblog?!

Magulo ba ako?!

Friday, July 29, 2005

4th Year Hayskul na ko!!!

Hu! Parang kelan lang Grade 6 ako! Pero eto na! Ang daming aralin at maagang periodical Exam! Pero hanggang ngayon e medyo tinatamad-tamad pa rin naman akong mag-aral! Siguro dahil sa pagkapuyat dahil ang aga ng gising ko! Alas-4 ng umaga pucha! Ang iniisip ko na lang e makapaghanda sa college at makapaghanap ng magandang trabaho upang masoportahan ang sarili sa college! Ang gusto ko lang namang trabaho habang nag-aaral pa e magdibuhista o kartunista sa mga lokal na komiks! O di kayay ilustrador ng mga libro! At alam ko ang aking kursong dapat tahakin balang-araw! Ang alam ko lang na course na bagay sa kin at kaya ko e Fine Arts Major in Advertising!
Kaya kong panindigan ang papasukin kong pagsubok at pangarap na tatahakin mula sa karera ng buhay....

O kaytagal ko na palang hindi nagpaparamdam!

Nais ko sanang pagandahahin ang blog na to, ngunit nahihirapan pa rin ako kung paano maglagay ng mga picx! Hindi pa ako makapag-link ng ibang websites at blogs! Hindi naman sa hindi ko alam subalit wala akong oras! Wala akong oras sapagkat marami akong mga araling hindi ko maintindihan kahit intindihin ko pa, mga ipinangakong gagawin sa aking mga kaibigan at mga bagay na hindi ko maintindihan ng dahil sa aking pagkabobo...At kung sana man lang me nagbabasa ng blog na to para makilala nyo kung sino talaga ako...Ang akala kasi ng iba jan ganun-ganun ako na parang kung pano nyo ko tingnan! Hay! Kaya tinamad ako magblog nung bakasyon e pano wala namang nagbabasa at tsaka me maganda akong sinusurf at download sa internet e...Huubaa huubaa!