Tuesday, February 22, 2005

Hay!Kung natapos ko lang yung prajek ko ngayon!Hindi nako papasok bukas pano wala namang klase...

Hu!Kaytagal ko na ring hindi nakakapagblog!Hay ang boring kanina pano intrams!Puro laro!Nagkaroon ng laban sa Basketbol...3rd yr vs 4th yr!At cyempre ung mga klasmeyts kong 3rd yr ang nanalo kaso pagdating sa laban ng 2nd yir!Natambakan!Sayang!Ang lalaki kasi ng mga 2nd yir na yan...
Tapos yung sumunod na laban nakakaboring na e!Mga girlz...Lang kwenta!So naghanap ako ng maiistambayan dun nalang malapit sa canteen kung saan nagaganap ang laban sa Badminton at Darts...Tamang-tama na may mapaglilibangan!Ung Chess kung san pati yung Adviser namin naglalaro din...Hay!Marunong nga ako nito pero talunan talaga ako dito...Inaamin ko mahina utak ko dito...Kaninay medyo naBadtrip ako pano napalapit yung kaklase kong sabihin nating magaling at sabiy "C Boston(Kaklase ko kalaban ko kanina)panalo c Wylz talo...Aba!Kung magsalita to!Porke madalas lang ako matalo...Haar!So etot parang isang pagsubok na hinarap ko ang laban at ako rin ang nanalo...Haha!
Tapos!Yung sumunod na laban natalo na ko!Pano may mga pasaway!Nalito tuloy ako!Nakain yung reyna!Bumalik uli yung Reyna pero nakain uli...Hay!Nanghina nanaman ang aking isipan!Mga pasaway kasi e!Pero naulit uli ang laban namin at nanalo na ko dahil wala na yung mga pasaway.Tapos naulit nanaman pero panalo nanaman ako!Yeh BoY!
Tapos yung sunod kong kinalaban ay Grade 1...Siyempre ang daling kalabanin...E nagkataong gustong pumalit ng adviser ko sa kanya...Aba!Dun na ko napasubo!Pero malapit ko ng mamate.Ayun!Gustong maglaro ng kaklase ko at siya ang pumalit sakin...At itim din ang nagwagi sa laban...Tapos ayun maglalaro naman ako ng Games of the Generals kaso hindi na natapos pano dumating yung serbis ko!
Hay!
At least hindi masyadong boring ngayon sa iskul.
Pag natapos ko na yung prajek bukas hindi na ko papasok sa huwebes...

Monday, February 14, 2005

O Pusong Kaytamis...


Happy Valentines day sa lahat...Ito ang pic ko na si Pink Ranger at tamang-tamang maging simbolo ngayong araw ng mga Puso...Sanay magmahalan tayong lahat...Pati na dun sa mga crushes ko...Sanay nararamdaman nyo ang iniaalay kong pag-ibig sa inyo lalo na dun sa pinakamamahal kong iniirog...Sanay maramdaman nating lahat ang tamis ng Pag-ibig...

Saturday, February 12, 2005

Rider Change!!!


Isa ito sa mga fovorite kong superheroes...Ang mga Masked Riders! Sana lahat sila ipalabas dito sa pinas...Sila pa naman ang mga orig na Riders na nagsimula pa noong Dekada 70...Namimiss ko na rin yung paborito kong si Masked Rider Black...Rider Change!

Hay eto!Sa wakas at nakapaglagay na rin ako ng pics ko!Kaso pangit pa rin ang blog na to...

Hu!Linggo ngayon...At siyempre masaya ako kasi walang pasok...Kaso mejo inip ako ngayon...Pero may ginagawa naman ako para hindi mabored kagaya nitong nagiinternet ako tapos kanina nagdodrowing...Hay!Sa totoo lang marami pa akong dapat malaman dito para maging aztigin ang blog na to...Pero ewan ko lang kung magiging aztig pa to kasi wala namang tumutulong sakin...Hay!At P#%*!!Me assignment ako sa Chemistry kaso hindi ko naman mahanap sa libro yung sagot...Marami yun at dalawa pa lang ang sagot ko...Hay naku!At kasama ako sa deliberation kaya natatakot na akong bumagsak sa Chemistry...3rd year hayskul na ko at kelangan kong makagraduate...Kailangan kong pumasa pero wala namang tumutulong sa akin at hindi naman ako tinuturuan ng mga kaibigan ko,paano karamihan sa mga kaibigan ko sa iskul puro plastik...At alam kong hindi sila dapat tawaging kaibigan!Sana makarma sila sa mga kaplastikan nila...

Magdrowing ng magdrowing!

NagJollibee muna pagkatapos magdrowing...Mami kanin pa!!! Posted by Hello

Hay ang init talaga! Posted by Hello

Wednesday, February 09, 2005

Kaya naman pala...

Kay-aga nanaman akong ginising ng aking ina...Masarap naman ang naging almusal ko anim na hotcake at kape...Nung nandun na ako sa serbis ay nakatulog naman ako ng ayos...Nung nandun naman na ako sa iskul at nagsimula na ang klase ay dun ako dinali ng pagkapuyat...Inaantok ako at halos hindi na ako makaconcentrate habang nagkaklase...Math pa naman ang unang subject...Tapos,kaming mga lalake ay biglang pinalabas ng aming guro sa math(na napasuko ng mga kaklase ko sa pagiging adviser niya samin)upang kausapin dahil sa mga ginagawa naming pambabastos sa kanya...Sabi daw niya ay subukan daw namin ulit at isusumbong na nya kami sa principal...WeeH!At habang senesermonan na kami ng guro ay tuloy pa rin sa kalokohan ang aking mga kaklase...Samantalang ako naman ay nahahawa na sa mga kalokohan at katarantaduhan nila...Kanina naman matapos ang recess ay nagsimula na ang klase namin sa English at eto kagaya din sa kalokohan nila sa math ay ginagawa din nila dito habang nagkaklase rin...Samantalang ako naman ay nahahawa sa kanila...Pero konti lang naman yung mga kalokohan ko at hindi naman nakakabastos sa guro...Ang guro pa naman namin dun sa English ay ang aming adviser na bisaya na napakaInglesera(kung nakikita nyo lang siya ay maaalala niyo ang senadora na may matigas ang dila sa pananalita na kulot-kulot ang buhok at mahaba ang labi)...At eto ang nangyari,dahil sa patuloy na pambabastos ng iba kong kaklase ay napuno na ang galit niya sa konsumisyon sa aming section...Umiyak siya at maraming sinabi samin...Sabi daw niya samin na sa loob ng labing siyam na taon niyang pagtuturo ay ngayon lang siya umiyak ng ganito ng dahil sa pambabastos ng mga estudyante...Pagkatapos nun ay hindi na natuloy ang klase at mataimtim na naglakad ang aming adviser...Hindi niya ipinahalata sa labas na umiiyak siya...At yun!Yung iba kong kaklase ay sama-samang pumunta sa faculty upang magsory sa kanya...Kasalanan to nung isa sa pinakamagulo samin!Yung kaklase kong bumbay na maputi at malaki ang dyoga...Tapos habang lunch ay hindi na ako kumain dahil wala namang masarap na ulam at yun nagsama-sama na kaming mga lalake sa iisang mesa sa canteen at naiba ang usapan na madalas ay Ragnarok dahil sa mga painasisimulang usapan ng mga siga kong kaklase...Tungkol sa Tuutooot!! Tapos after lunch etot bumalik na kami sa klasrum at ang subject na namin ay social studies...May Quiz pala dito at kaunti lang ang nareview ko...Matapos ang tatlumpong minutong review ay nagsimula na ang quiz at bawat tanong ay wala akong maisagot sapagkat kaunti lang at wala sa quiz na yun ang iba kong nareview...Ng matapos na ang Quiz nagpalit na kami ng papel ng aking katabi upang tsekan ang quiz...Matapos nun ay bagsak nanaman ako dahil isa lang ang naitama ko at pinatayo samin ang mga bagsak upang sabihin na sa susunod pang babagsak kami ay wag ng umatend sa klase...Ang sumunod na subject ay ang art at tinanong ko sa art titser ko kung bakit ni isa man sa gawa kong drowing ay hindi man lang niya pinost sa campus...Ang sagot niyay next time na lang at lagyan ko raw ng shading ang drawing ko...Ok fine!Basta next time a ididikit na nya sa campus yung drowing ko a!Tapos ay hindi kami nagklase sa art dahil ang time namin sa aming art subject ay dapat gamiting pampraktis sa pagsasayaw para sa Foundation day...Nakukuha ko naman na yung mga steps...Masaya ako dahil hindi nasira ang araw ko ngayon...Pasensya na nga pala kayo dahil hindi man lang ako nagbigay ng space dito kasi mejo tinatamad na ako at inaantok na...Sorry! :-0

Tuesday, February 08, 2005

Hay naku!Katamaran ba tong nangyayari sakin o kabobohan?!Hay!

Eto ganun pa rin ako kanina sa iskul,mejo bored...Hmp!Sabagay madalas naman talaga ako maboring lalu na sa klasrum namin pag walang dumadating na titser tapos mga kaklase ko kung saan-saan uupo tapos sakin walang tumatabi kaya madalas akong walang kausap sa klasrum...Di bale!Me paraan naman ako para hindi maboring.Ang ginagawa ko lang naman e nagdodrowing ako sa likod na pahina ng aking kwaderno(kaya ngayong 4th Qtr paubos na yung page kaya kaylangan ko na ng bagong nowtbuk para sa mga notes kahit malapit na magtapos ang iskul yir) o di kayay kumakanta ako ng patahimik para walang maasar at mang-asar sakin...Sa pamamagitan nitoy nakakagawa ako ng sarili kong mundo...Kung alam nyo lang masarap din ang feeling ng may sariling mundo kasi nakakalimutan ko ang mga problema ko at kahit wala akong kausap iniimagine ko na may kausap ako....Hindi ang ibig sabihin nitoy otistic ako a!Ang ibig kong sabihin ay maraming paraan para mapasaya ang sarili habang nagiisa ka kagaya ng maglalaro ng gameboy o di kayay magsoundtrip habang naghihintay sa darating na titser sa klasrum o magtxt at pati tong mga kawirdohan ko...Alam ko naman na wirdo ako at natural lang naman sa atin ang magkaroon ng ganito...At eto!Nangopya nanaman ako!Hindi ko na sasabihin kung anong subject kasi baka may magtsismis nito kung sino mang nakabasa...Hay ang tanga-tanga ko pati sa pagchechek ng quiz ng klasmeyt ko nakakalimutan ko kung pano bilangin yung iskor nya pano me mga paplus-plus pa tapos itatayms pa sa ganyan...Sori nga pala dun sa natsekan ko ng Quiz kanina a...Talagang engot lang ako pagdating sa ganun...Hay naku!Alam ko naman na makitid ang utak ko at inaamin ko na mabagal ang takbo ng utak ko sa ibang bagay.At alam ko rin na maraming tao na nagsasabing BoBo ako pero hindi ako BoBo...Alam naman nilang may mga bagay na kaya ko na hindi naman nila at pano ako magiging BoBo kung ang aking natutunan ay ginagamit ko upang matulungan sila...Walang Perpekto ika ng ating mga guro...Hindi ko nga alam kung nababawasan na ng sustanya ang utak ko o tinatamad lang talaga ako...NagaIodized Salt naman ako at palakain ako ng gulay subalit tila walang epekto sakin to kasi hindi ko nararamdaman na lumalakas ang aking katawan...Walang nagbabago sakin...Siguro dahil sa pagkapuyat to kasi maaga akong ginigising ng nanay ko...Alas kwatro palang samin nagigising na ako kasi rinig na rinig ko sa aking silid ang malakas na pagaspas at sabay tilaok na paulit-ulit ng alagang manok ng aming kapitbahay...Mga alas singko ako ginigising ng nanay ko kasi yung serbis ko dumadating ng mga alas sais...Hay grabe...Well,masyado na yata tong mahaba at wala akong binigay na space kagaya ng ibang Journals na binabasa ko dito...Next tym nalang!Sory a!Cge! :-)

Monday, February 07, 2005

Hay naku!Hindi naman ako gaano naBadtrip today...

Hay!Eto!Katatapos ko lang magDrowing sa aking SketchPad ng paborito kong Superhero...Hay alam nyo kanina sa iskul!Well...Ummm!Ok lang!Konti lang naman yung mga absent!Tapos kanina ay putsa!Nakalimutan kong may Quiz pala ngayon sa Math!Nung nagQuiz na kami,eto nangangamote nanaman ako dahil wala akong nereview ni kahit isa man.Di bale!Math lang naman yun!Madali naman dung makapasa!Tapos kaninang recess,eto ako nakikisama nanaman sa mga RagnaBoyz!Kung anu-ano yung pinaguusapan nila hindi naman ako nakakarelate kasi hindi naman ako nagRaRagna...Well,sanay naman na akong makisama sa mga to e!Kse parati ko na silang pinapakisamahan since nung 1st year pa na datiy puro CounterStrike naman ang usapan...Sila lang naman ang mapapakisamahan ko tuwing recess at lunch e...Tapos kanina nagpraktis nanaman kami ng sayaw para sa darating na Foundation Day saming iskul...Hay naku!Mejo nagegetz ko naman na yung mga steps sa sayaw pero sa totoo lang ay napapangitan ako sa steps namin kasi yung steps namin parang nagbabasketbol daw pero dun naman sa steps na yun hindi lang puro mala-Basketbol yung style at merong mga steps na hindi ko maintindihan kung bakit may ganun pa.Tapos nagtataka lang ako tungkol dun sa SketchPad ko sa art kasi kinukuha ng Art titser ko yung Skecthpad para daw sa mga magagandang drowings na ipopost sa campus...Ng makita ko naman yung mga nakapost na drowings...Aba!Makita ko sa kaklase ko dalawa pa yung nakapost at maraming mga nakadikit na magagandang drowings ng Hayskul!E bat sakin wala!Nagtataka nga ako e!Kukunin yung SkechPad ko tapos wala din palang saysay.Sa totoo lang ayokong nasasayang ang aking mga pinaghihirapan lalu na pagdating sa drowing...Ilang beses na kasi tong nangyari sakin...Sabagay!Alam ko namang marami pa akong kulang at mali sa mga ginagawa ko at gusto kong matutuhan ang tama...Hindi naman ako sa nagyayabang pero yung ibang drowing dun...Mas maganda pa sakin lalu na yung ginawa kong portrait ng kaklase kong Bumbay...Well,lagi na lang yata akong may well na sasabihin dito...Paguwi ko mejo pagod ako at madungis so naghilamos ako at pagkatapos nuy nagpahinga...Maligaya naman ako at walang assignment ngayon...Cge ito nalang gigising pa ko ng maaga e! :-)

Sunday, February 06, 2005

Chinese way of MODERATE EATING....

Eat all you can using only one CHOPSTICK.Guaranteed you will lose weight.
Kung Hei Fat Choi!
Snay mging maayos ang kapalaran ng ating bansa s taon ng Tandang... :-)

IF I WERE A DOG AND YOU WERE A FLOWER...

I'D LIFT MY LEG AND GIVE YOU A SHOWER...

Bakit BILOG lagi ang kulangot?!

Sige nga,kung kaya mong gawing KWADRADO...Bibilib ako sa'yo.Ehehe!

E2 p isa!

Kelangan kong makapaglagay ng pic dito kaso mjo nagloloko p ang computer ko so nxt tym nlang!

Hay alam nyo Guyz!

I huv so many problems today!Ay naku!Kahapon pumunta ako ng iskul kasama si Mommy pra kunin ung card ko at maraming cnabi ung adviser kong bisaya 2ngkol sakn...Nakow!Ang dme ko plang bagsak at ngaun dahil 4th Qtr n eto nlang ang aking last chance pra pumasa!Pg bumagsak uli ako,nakow pow!Summer Classes nanaman gya nung 1st yr at ndi ko mapagpapahinga ang utak ko!Mron p nman akong gs2ng gawin dis summer nakow!Papasyal s mall kasama ang barkada,nood ng sine,mkipagmeet s mga girlz,inuman,pulutan tpos gs2 ko pang mag Art Studies pra maimprub ko ung Drowing ko...Hay naku!Cge un lng!D ko p kse nagagawa ung assignments ko e! :-0

Hay salamat at nakagawa na rin ako ng Blog!

Sna mraming ngbabasa nito!Ummm!Ano ba dapat ko sabihin?Hmmm!

Ay PuTangIna!

Sa wakas nagkaroon n rn aq ng Blog!Har har har!Mrami aqng sasabhn!Har har har!